Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Grey MATTER

Blog EntryDec 14, '11 1:00 PM
for everyone
Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo.
Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako;
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.

Ako ay kapitbahay, laging handa;
Laging handang, tumulong sa inyo.
Kilala nyo ako, kilala nyo ako
Ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay ninyo.

Kung habang binabasa mo ang nasa itaas, at bigla ka na lang napabirit ng kanta, napangiti at naalala sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Ate Shienna at Kuya Bodjie, aba'y walang pag-aalinlangan, isa ka rin sa napakaraming nag-BATIBOT nung kabataan mo.

Kung sa kabilang banda nama'y oblivious ka sa mga pinagsasabi ko, marahil isa ka sa mga fetus pa lang nung panahong yon. O di kaya'y nagti-Teach-Me-How-To-Dougie pa lang ang mga magulang mo sa Obando, upang mabiyayaan na sila ng cutey-cuteyng anak sa katauhan mo.

Kung hindi mo pa rin ako maintindihan (Oo, IKAW na ang BAGETS!), for your sake, at sa kapakanan ng ibang ka-batch ko (memory gap?), ang kanta sa itaas ay gamit sa isa sa mga segments sa programang BATIBOT. Ito ang segment kung saan kailangang mahulaan ng mga manoood ang hanapbuhay o trabaho na isinasalarawan sa episode na yon.

Meron din bang premyong 1 TB Western Portable Hard Drive + 1 Singapore Shirt sa portion na ito ng Batibot? WALA.

Kaya dadako na tayo sa tunay na dahilan kung bakit may pakanta-kanta pa ko sa umpisa: Alam nyo ba kung ano ang hanapbuhay ko?

Ako ay nagta-trabaho sa isang kumpanyang sumusuporta sa pagdi-drill ng petrolyo o langis. Kami ang nagpo-provide ng mga drilling fluid chemicals, engineering equipment at service manpower sa ilan sa mga pangunahing oil drillers sa Gitnang Silangan at ilang bahagi ng Africa.

At sa araw-araw na ginawa ni BRO, ito ang mga ginagawa ko sa laboratoryo:

1. Magtimbang ng mga rekado with accurate precision. Bawal magkamali. Dapat tandaang mga kemikal ang tinitimbang. At onteng pagkakamali lang ay maaaring magresulta ng fireworks display sa lugar-trabahuhan.

Analytical Balance


2. Paghalu-haluin ang mga rekado na parang gumagawa lang ng shakes. Wag iinumin. Paalala, kemikal ang hinahalo.

Multimixer


3. Pagtapos haluin, kailangang alamin kung tama ba ang lapot ng ginawang formula. Di pwedeng sobrang lapot, o sobrang labnaw, dahil maaari itong maging sanhi ng pagka-stuck ng drill sa butas. Paalala muli, hindi ito shakes.


Rheometer


4. Sunod ay kailangan namang malaman ang mud weight ng formula. (Opo, ang larawan sa ibaba ay hindi po seesaw.) Nakakaapekto rin ito sa drilling dahil anumang bagay na ipinapasok natin sa drilling hole ay dapat muling lumabas. Kung mabigat masyado ang formula, hindi na nito kakayaning ilabas ang mga cuttings (mga rock formations at drilling fluids) na mula sa ilalim ng lupa.

Kung inyo pong matatandaan, according sa ating Science Class, ang petrolyo ay produkto ng natabunang flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan.  Kaya isipin nyo na lang kung gaano katigas ang lupang kailangang i-drill.  At kung gaano kapanganib dahil sa mga gases na produkto naman ng mga nabulok na flora at fauna milyon-milyong taon na ang nakakaraan.

Idagdag mo pa na may mga pagkakataon na ang drilling ay nagaganap sa gitna ng karagatan (offshore).  Syempre, mapanganib na nga magdrill tapos ang tatalunan mo pa e dagat.  E paano kung may emergency?  Good luck na lang kung biglang mag-hello si Jaws sa yo.

So ano ang point ko?  Na muli, ang larawan sa ibaba ay hindi seesaw.  Yun lang yon actually, medyo napahaba lang ang paliwanag ko hehe.

Mud Balance


5.  Test naman tungkol sa filtration control ang susunod.  Dapat malaman ang kakayanan ng formula na makapag-imbak ng fluids.  Tandaan na ano mang fluids na maiiwan sa butas ay maaaring magdulot ng permanenteng damage sa hole at sa kalikasang nakapalibot.  Kaya dapat very minimal lamang ang fluids na maiiwan.

API Filter Press


6. Last but not the least, kuhanin ang pH.  Dapat ang formulang ginawa ay hindi acidic.  Kung acidic ang timpla, maaari itong maging sanhi ng pangangalawang ng pang-drill.  E sobrang mahal nito.  (Opportunity na rin para bumati sa celebrant haha.)




Ang boring no, hay?

Actually, isa pa lang ito sa napakaraming proseso sa pagdi-drill ng langis.  Hindi pa kasama dyan ang pagri-refine ng petrolyo, para maging kerosene, gasolina, lubricants, asphalt, etc., sa prosesong ang tawag naman ay fractional distillation.

Ocia, tama na ang paliwanagan dahil ako'y pagod na.

At ngayon, kaya nyo na bang hulahan kung Ano ang Trabaho ng Kapitbahay Nyo?



* * * Ito ang aking lahok sa MADUGONG Patimpalak ni GASOLINE DUDE. * * *

Blog EntryDec 10, '11 6:21 PM
for everyone
Masama bang aminin na sobrang saya ko?

Na napatalon ako ng paulit-ulit habang lagpas-tenga ang ngiti. Nakipagkamay at bumeso sa mga kapatid.  Yinakap si misis ng walang kasing higpit (habang tumatalon pa rin).

Dahil kulang pa ang aking pagmu-multi-task noong mga oras na yon, nagthought bubble naman ako: yes, lumi-level kina Jim Paredes (2008), Noslen Santiago (2009) at Danilo Jacob (2010).

At isa pang yes, either mapapaltan na ang aking cellphone, o kaya'y, meron kaming bagong flatscreen TV, yey!

Pagtawag ko kay Inay, sabi nya wala daw cellphone o flatscreen TV.  Maling-akala pala.  Mga raffle items lang pala ang mga yon.  Pero ang mahalaga, wagi daw kami, kaya yahoo pa rin!

Sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming salamat po sa dalawang parangal na iginawad nyo sa akin (1st Place - OFW Blogger Division at 3rd Place - NOKIA Essay/Blog Writing Contest).  Ang totoo, natakot ako.  Baka kasi hindi pa handa ang mga hurado sa paraan ko ng pag-atake sa paksa.  Hindi kasi ako magaling sa mga highfalutin words.  Pati na rin sa mala-baul na tagalog.  Tapos, kung hindi nyo napanood ang ilan lang sa mga na-quote kong pelikula o programa sa TV, paniguradong hindi na kayo makaka-relate sa mensahe ng isinulat ko.

Sa lahat ng mga BLOGGERS na lumahok sa taong ito.  Binasa ko po ang bawat entry nyo, at damang-dama ko po ang PUSO sa bawat salitang binitawan nyo.  Congratulations at sana, ma-meet ko kayong lahat in the future!

Sa lahat ng aking kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan, kabalitaan, kakampi, kakosa at ka-bagang, maraming salamat po.  Thank you sa inyong pagbabasa, pagcomment, pag-like, pag-share ng link at pagboto.  Isang malaking utang na loob ito na aking tatanawin sa buong buhay ko.  Promise.

Sa aking INAY.  Alam kong sanay ka nang umakyat ng entablado pero hindi ko kinaya ang pagkaway-kaway mo.  Suma-Shamcey Supsup lang?  Kulang na lang, tsunami walk.

 

1st PLACE - OFW BLOGGER DIVISION
Shamcey  MAMA Tsup-Tsup

3rd PLACE - NOKIA Essay/Blog Writing Contest
Grabbed from Pete Rahon of PEBA



Sa aking irog na si AIMEE.  My PRECIOUS.  You COMPLETE me.  You JUMP, I JUMP, remember?  Salamat sa suporta at pagproof-read ng aking mga entries.  Salamat din sa walang sawang pag-ibig sa akin.  Warts and all.

Sa iyo CALEB. The LATTER will be greater than the rest!  Receive!

Sa lahat ng mga OFWs.  Especially sa aking dalawang kapatid, na sina Rachel at Rose, at pati na si Itay.  Sana ibahin na natin ang style.  Given na kasi na mahirap maging OFW.  At nung pumirma ka ng kontrata, automatic na pumirma ka na rin sa lahat ng sakrispisyo, hirap, at kung anu-ano pang mala-MMK na moments na mangyayari sa yo.

Tandaan mo lang na Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka.

Kaya focus lang.  Steady lang sa goal.  Never forget what you came there for.  Mag-IPON.  Maging positibo sa lahat ng bagay.  Being positive is not just a state of mind.  It is FAITH.  That as you continue to put your trust in the Lord, He will give you the BEST future that He promised.

At kay BRO, na naging dati ring overseas worker and expat, To YOU Be the Glory and Honor Forever!

Blog EntryDec 3, '11 12:57 PM
for everyone


Hala, December na, PEBA Award's Night na.  Ang halos isang taong anticipation, sa Dec. 9, mabibigyan na ng TULDOK.  Hay, scaredy.

Sana pumasok man lang sa Top TEN ang OFW Blog Entry ko.  Kakahiya kasi kay Inay na dadayo pa from Batangas para umatend.  Pati na rin sa kung sino man ang mahahatak nya.  Sana may consolation prizes man lang sa Nokia Essay/Blogging ContestMatindi kasi pangangailangan ko sa bagong cellphone na touch screen.  O kahit sa Any Blogger, Anywhere, kahit sana paano, makatyamba.  Para maka-akyat man lang ng stage si Inay.  Sayang naman ang effot at dyaporms nya.

Hay ulit.  At isa pang hay.

Pero if given the chance, sobrang gustong-gusto ko sana talagang maka-aatend sa Gabi ng Parangal.  Alam nyo kung bakit?  Eto:

1. Masama bang mangarap, na kahit sa isang gabi sa buong buhay ko, e mag-astang ta-artits ako?  Gusto kong maranasan kung ano bang feeling lumakad sa red carpet, kodakan ng mga photographers at ma-interview para sa TV/radyo/podcast/slum book.

2. Gusto kong mag-suit o kaya mag-barong at maging at my BESTEST.  Tapos ini-name drop ko rin kung sino ang gumawa ng suot ko.  Is that Patis Tesoro?  No, it just smells like patis but it's actually from Ikaw Na ang Dyaporms Tailoring from our nearby kanto.  Is your wallet LV?  No, it's Seiko, ang wallet na maswerte.  And it's the reason I won tonight.  Di ba so astig, so ta-artits.

3. Kung sakaling manalo --- mag-aktong hindi ini-expect pero may Acceptance Speech na isinulat sa Joy 2-ply Bathroom Tissue.  Baka kasi may makaligtaan. Baka may magalit pag hindi napasalamatan.  Alam mo naman sa showbiz.

Pero sa totoo lang, eto talaga ang mga major reasons ko:

1. Gusto kong ma-meet ang lahat ng mga bloggers na sumali especially ang mga OFWs.  Damang-dama kasi sa mga entries nila, ang kanilang mga pinagdadaanan.  Sobrang gagaling nila at gusto ko silang saluduhan with matching mwah-mwah-tsup-tsup.  Saka kasi baka makakuha ng pasalubong haha.

2. Ialay ang oras na yon sa aking pamilya (MCs, REPs & DANAs), mga kaibigan (ka-FB, ka-Multiply, ka-EN, & ka-JCHGM, ka-work) at sa lahat ng sumuporta (nagcomment, nag-like at bumoto, at sa mga hindi bumoto, kilala ko kayo!).

3. Magpasalamat kay Bro na sa maliit na kakayanan ko, ginamit nya akong maging boses ng magandang plano nya sa bawat OFW.  Na kung magsisikap lang talaga tayo, magpo-focus sa ating goals, hindi magpapaapekto sa lahat ng negativities, mas lalong mapapabilis ang ating pag-asenso.

Kaya sa lahat ng bumubuo ng PEBA, maraming-maraming salamat po!  At sana next year, may FREE 2-way ticket na haha.

Blog EntryDec 1, '11 4:00 AM
for everyone
Eksena sa bahay nung ika-18th birthday ko.
 
ME:  Ma may sasabihin ako sa yo.  (Lub-dub, Lub-dub.)
MA:  Ano yon?
ME:  Alam mo Ma si Alfred nagyoyosi na.  Si Jason nagyoyosi na rin.  (Sila yung mga close friends ko na kilala sa bahay.)
MA:  E ikaw?
ME:  Nagyoyosi na rin! (Medyo alert mode baka mabigwasan.)
MA:  Well, choice mo yan.  Just be responsible.
ME:  (Buntong-hininga with matching malaking YES!)  I will Ma!

 
Kaya yon, ligal akong magyosi sa bahay simula pa nung 18 yrs old ako.  Mas minabuti kong magpaalam ng maayos kasi ayoko ng patago-tago.  Dyahe kasi yung nagyoyosi ka na nga tapos magsisinungaling ka pa.  Doble kasalanan.

Ngayon, habang ginagawa ko tong blog ko, kinom-pute ko kung gano na ba karaming yosi ang nahithit ko sa buong buhay ko:

Age:  19  25  33 years old
Total No. of Yosi-Years Since Legalization:  33-18 = 15 years
Total No. of Days in a Year:  365.25 days
Average No. of Yosi per Day:  4 sticks
Total No. of Yosi Consumption Since Birth:  21,915 sticks!

Wapak, imagine-in nyo, 21915 piraso ng yosi na pala ang nahithit-buga ko sa bunganga ko.  E estimate lang yan.  Syempre may mga times na mas adik ka sa yosi lalo na pag malamig o kaya pagkatapos ng masarap na kain o kaya dyumijerbaks o kaya umiinom o kaya e bored ka lang.

Kaya sobrang happy ko lang na nasa ika-6 na araw na kong YOSI-FREE, woot!

At dahil usapang pang-HEALTH na rin naman ang topic, at puro old gala photos pa lang ang napo-post ko dito, share ko lang ang mga photos sa gala/trabaho ko kahapon (fresh na fresh yey).


Health & Safety Seminar sponsored by TOTAL.


Breakfast.

The other Pinoy in the seminar, Eduard.

Lunch.


Sweets!

With Indonesian Operations Mngr., Nokke.

 
 

Sobrang natutuwa lang ako na tuloy-tuloy pa rin ang YOSI-FREE Project ko.  Feeling ko lang, sobrang bango ko lang lately, hihi, at nadagdagan ng million years ang pwede ko pang i-stay sa mundo.

Para to sa mga mahal ko: McAIM & McCALE (& McNAO), & para sa yo po LORD!

At para din sa yo to McRICH!

Blog EntryNov 19, '11 9:18 PM
for everyone
ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa whole-wide-world.

Magaling syang kumanta: Miyembro ng church choir. Magaling magvideoke. Minsan na ring na-invite sa isang wedding para bumirit ng mga pa-sweet songs. Kung meron ngang kantahan sa lamay, sa palagay ko, papatok din sya don.

Magaling syang sumayaw at umarte: Mga prerequisites sa aming Drama Club (kung saan sya ang main actor). Alam ko nga, hanggang ngayon, bida-bida sya sa mga MTVs na ginagawa nila, as their special presentation, sa work nya. Syempre idea nya rin yon.

Magaling sa arts: sa pagpipinta, pagdo-drowing, pagle-lettering, letter-cutouts at ultimo electrical wire e hindi pinalagpas para isabuhay ang malikot nyang pag-iisip.

Kaya DONG, Oo IKAW Na, IKAW NA ang ARTIST!

* * * * *

Nung high school, sa isa sa aming mga goodtimes, napagtripan lang naming magbugbugan. E biglang dumating yung Values teacher namin. Ang ginawa ni Mr. Values, binalandra sya sa blackboard. Pagkaplakda nya sa blackboard, nakita ko na lang syang bumagsak ng padausdos. Parang Pinoy Action Movie lang hehe.

Ending, naghumagulhol kaming dalawa sa Principal's office haha.

Fickle-minded si Dong. Ganon raw talaga ang mga maarte artists. Paiba-iba ang isip. Pag gusto nya ang isang bagay, todo-bigay sya. Pero pag nawalan na ng interes, wala na, ba-bye na. Pero kahit na hindi mo mawari ang takbo ng pag-iisip ni Dong, isa syang SUCCESS Story:

Pabalik-balik sa Tate, palibot-libot sa Europe, may bahay at lupa na sa Pinas, may Dollar-Peso-Euro accounts, at mabait na anak-kapatid-kaibigan. Pinatunayan nyang ang success ay bunga ng sipag-tyaga-talento at hindi kung ano pa man ang natapos mong kurso.

Kaya Dong, kung san ka man andon ngayon, hope, lagi kang masaya.

Kasi, miss ko na ang sangkaterbang tawanan natin. Miss ko na ang bilyar-bowling-bar natin. Miss ko na ang pagtambay natin sa bahay nyo, sa bahay nina Jason, sa bahay nina Lai, o kaya sa bahay namin. Miss ko na ang pagkain natin ng lugaw at tokwa sa PRC.

Hay miss na kita!

* * * * *

Ito ang huling gala ko with Dong nung single pa ako. Kasama rin namin ang mga kapatid ko at ilang kaibigan. Nagcamping kami saTaytay Falls sa Quezon Province.



Patayan lang sa pagtalon-talon/lakad sa mga bato.


Andaming nagka-camping nung panahong yon dahil holiday yata. Di ko na matandaan kasi nung 2008 pa to. At sa kakahanap namin ng pe-pwestuhan, napunta kme malayo sa falls. Mas okay pa rin namin dahil solong solo namin yung lugar at okay na rin namang liguan.



Best Camping Food: Lumpiang Shanghai, KAW Na Ate!



Pwede na rin namang wag na pumunta sa falls pero syempre yun nga ang pinunta namin don.   Kaya talon-lakad kami ulit na parang tipaklong.







Kung pamatay ang pagpunta, mas pamatay ang pauwi.  Ligpit-ayos-dala ng mga basura. Walang dapat iwan kundi mga bakas ng paa at dalhin pauwi ang mga magagandang alaala.

Balik ulit sa tipaklong mode.








Kaya pagdating sa tuktok, di namin napigilang humabhab ng Pancit Habhab!


This is How to Eat Pancit Habhab.
Si DONG.


Dong sabi pala ni Caleb, Merry Chritmas daw Ninong, ingat ha!

Blog EntryNov 17, '11 12:50 AM
for everyone
Maraming nagtatanong

May tatlong readers na nagtanong

(Okay, magpapakatotoo na nga ko dahil hindi ako sure kung meron talagang nagbabasa ng mga blogs ko at ultimo misis ko e busy.)

Gusto ko lang ipaliwanag kung bakit puro old gala photos ang mga pino-post ko.

Ganito nga kasi yon.

Una, napansin ko lang na panahon na para mag-iba ako ng platform sa pagba-blog.  Medyo limited na kasi ang pwedeng gawin sa Multiply.  Old school na old school na.  Nahahalata tuloy lalo ang edad ko hehe.

Pangalawa, marami rin akong gala photos na nasa Multiply din.  E natatakot akong maging mala-Friendster ang Multiply kaya minabuti kong hanapan ng panibagong tahanan ang mga sweet memories ng aking bagets life.  (Tamad pa naman akong magtransfer ng photos, yung sa Friendster ko nga hinayaan ko na lang hehe.)

Ngayon, sa pagsali ko sa PEBA, napansin kong lahat na lang ng nominees e either naka-blogspot o naka-wordpress o may sariling domain (e hindi naman ako ka-yamanan).  Kaya naisip ko tuloy na magsimula na rin ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya eto, taran, Travel Blog!
 
 
                                   
 
Syempre, eemo pa rin ako paminsan-minsan, maglalagay pa rin ng mga hinaing/saloobin, rants/kuro-kuro, na sa palagay ko e hindi naman nalalayo sa adhikain ng blogsite ko.

Ang buhay naman kasi e isang malaking adventure.

Lahat tayo, nagtata-travel lang sa mundo.

At sa bawat yugto ng buhay natin, maraming lessons, maraming picture-picture, maraming facets.

Minsan masaya, minsan naman, mas masaya.

Pero kahit ano pa man ang magiging rason ko sa bawat ipo-post ko, sana, makapagdulot ito ng inspirasyon, makapagpasaya, at makapagbigay ito ng rason sayo na ituloy lang ang buhay.

Tuloy lang ang lakad.  Tuloy lang ang takbo.  Kung kinakailangan tumalon, talon lang.  Kung kailangang lumangoy, langoy lang.  Kung hindi talaga kaya, manghiram ka na lang ng salbabida.

Kasi ang totoo, we were ALL created NOT to merely EXIST; but to LIVE the full LIFE that we HAVE.

Kaya:

MagBulakbol, mag-Excursion, Gumala, magLamyerda, mag-Outing, at higit sa lahat, i-enjoy lang ang Travel ng Buhay.

Samahan mo ko!

Blog EntryNov 12, '11 6:45 PM
for everyone
Ito ang most anticipated part ng aming trip.

Syempre gusto lang ma-enjoy ang mamahaling resort na to na usually e mga mayayaman at mga artista at mga gustong ma-Abu Sayyaf lamang ang nakaka-experience.





Hindi naman kami nadismaya dahil maganda naman pala talaga ang Dos Palmas.  In fact, kung meron din lang kayong extra money at gusto nyo talagang magrelax, pwedeng-pwede nang hideaway ang island resort na ito.

Maganda ang facilities:


Stilt room for Php 24,000 per night.

Eto naman, Php 8,000 per night, pwede.


Inside.

Cabana for relaxation.  Pwede rin pa-massage dito!

Swimming pool for Php 500 per day.

Banana boat.

Si Rachel na adik sa kayak.


Pamatay din ang kanilang snorkeling area.  Alagang-alaga dahil buhay na buhay ang mga corals at maraming makukulay na sea creatures.  Sakay lang ng lantsa at andon ka na.





Giant clam.




Pero eto talaga ang hindi namin makakalimutan.  Sobrang sarap ng food!  Andaming choices, sariwa ang mga seafoods, talo pa ang mga mainland restaturants sa sarap ng luto!

Sobrang sulit ng binayad namin kahit sa pagkain pa lang and actually jumerbs pa ko para masulit talaga ang kain.  Pagkajerbs ay kain ulit haha.





Kaya kung sakaling magagawi kayo ng Puerto Princesa (Palawan), wag kalimutang magDos Palmas!

Blog EntryNov 8, '11 10:26 PM
for everyone
Papunta ako ng Abu Dhabi nang maranasan kong mainterogate ng bonggang-bongga.  Pakiramdam ko, ultimo kaliit-liitang himaymay ng cells sa katawan ko e nabutingting.

Yinurakan ang pagkatao, tinapak-tapakan ang self-esteem, inalipusta, nalait, nasigawan, hay sobrang sakit talaga:

Immigration Officer:  San ka pupunta?
McRICH:  Sa Abu Dhabi po.
Immigration Officer:  Anong gagawin mo don?
McRICH:  Magta-travel po.
Immigration Officer:  Bakit marami ka bang pera?
McRICH:  Tama lang po.
Immigration Officer:  Bakit saan-saan ka na ba nakapunta?

Inisa-isa ko sa Immigration Officer ang lahat ng mga napuntahan kong lugar sa buong buhay ko at kinarir pa further angquestion and answer portion.

Later, naisip ko na baka naman suspek ako sa isang krimen kaya nya ako gina-ganito.

Immigration Officer:  Gaano kahaba angPalawan Subterranean Underground River?

Huwaaat?

Kahit naman siguro isang libo at isang tuwa akong pumunta sa Palawan Subterranean Underground River, at nasa matino akong pag-iisip, e hindi ko pag-aaksayahang alamin ang kabuuang haba nito.

Buti kung nag-aaral pa ko at ito ang paksa sa Social Studies baka pa.

Besides, ito ba ang kasagutan sa kahirapan?  Bababa ba ang crime rate ng Pilipinas kung iri-recite, with feelings, ng bawat mamamayang Pilipino ang kabuuang haba ng Palawan Subterranean Underground River?  Masu-solusyonan na ba ang kumakalat na dengue sa bansa with this travel fact?

Ewan ko sa yo Sir.

Basta pagtapos ng eksenang ito with the Immigration Officer, naging gatuldok ang tingin ko sa sarili ko.

Pero pumasok ako sa boarding area ng may NGITI sa LABI, tagumpay hehe!


* * * * *

This tour will consume almost your whole day.

Sa dalawang beses ko kasing pumunta don, hindi pa rin ayos ang daan.  May mga areas na bako-bako at maputik (depende sa season syempre) kaya ihanda mo na ang katawang-lupa mo.


Stop-over bago mag-Sabang Port.
Kailangan mag-register dito.

Old Sabang port.


Ito ang lumang Sabang port.  Nung bumalik kasi ako nung 2009, maayos na ito.  Wala na yung mga bato-bato sa paligid.  Parang naging mala-breakwater sa CCP.







Ito ang pathway papunta sa bunganga ng kweba.  Parang nature-trail na rin where you can find free-roaming animals like monkeys and monitor lizards.


Boat ride to the cave.

Bukana ng kweba.

Manger Scene - Joseph & Mary?

Upos ng kandila?

View from inside.

Marami pang makikitang rock formations, stalactites and stalagmites sa loob na mistulang onion, garlic, mais, pati na lahat ng gulay sa kantang Bahay Kubo.

Madami ring paniki.  Lumalabas sila ng kweba sa gabi para manginain.

At tulad ng nasabi ko, bumalik ulit ako sa lugar na to nung pumunta akong El Nido.  Kasama kasi sa package ng Travel Factor.


Inaayos na ang port.  Sana hindi na lang inayos.
Parang mas okay kasi yung dati.  Mas natural ang dating.

Kasama sa package kahit nung una kong punta.
Nalimot kong sabihin.

Take 2 sa Underground River.

With Louie, Joe, Tix, Jen and Nonie.


Sya nga pala, hanggang 11.11.2011 na lang ang botohan sa New 7 Wonders of Nature, at kung hindi mo pa alam (san ka ba nanggaling ha?), nominated ang Puerto Princesa Underground River sa patimpalak na ito.

BOTO na!

Blog EntryNov 6, '11 9:22 PM
for everyone
Para saken, kung meron mang pinakamagandang lugar sa Pilipinas (kahit na ano pa man ang definition mo sa salitang GANDA) this would be Palawan!

I simply HEART Palawan.

Having been in Puerto Princesa and El Nido, Palawan already established herself to me as the BESTest travel destination.  Not only because of its affluence in terms of natural wonders but also because of its people.

Ambabait nilang lahat.

Yung tipong hindi ka nila kukulitin para bumili ka sa kanila ng kung ano man ang linalako nila dahil they value your privacy.  Na alam nilang andon ka para magtanggal ng stress at hindi para magshopping.

Yung tipong hindi ka tatagain sa mga fees dahil honest sila.  Na kahit nakaiwan ka ng singsing na may 12 dyamante e mababalik yon sa yo (hehe di ako masyadong sure dito but that is how I trust them).

Lalo na si Kuyang Driver namin.

Given na syempre na nung sinundo nya kme sa airport e very welcoming sya.  Pero ang hindi ko kinaya ay yung hindi na kinailangang ibuka ang bibig namin at humingi ng favor na kodakan nya kme sa isa sa mga scenic spots nila kasi sya mismo ang nag-offer.

"Sir, kunan ko na po kayong tatlo."

First time ko yon.

Sa iba kasi, sisimangutan ka o kaya kailangan mong bigyan ng tip.  Yung tipong konting kibot mo lang e nakalahad na agad ang palad at nag-aantay ng kaperahang galing syo at pinapamukha sa yong nothing is for free in this world anymore!

Wala namang masama don.  Alam kong hanapbuhay nila yon pero sana hindi garapalan.  At syempre, mas maluwag magtip, kung you know that they gave you a very good service.

Kaya balik tayo kay Kuyang Driver.

Nagkataon kasing Valentine's Day nung andon kme sa Palawan.  Kaya tinanong ko sya:

"Kuya san date nyo?"

"Wala po Sir, sa bahay lang po."

E dahil sa mabait nga si Kuyang Driver, naisip naming bilhan sya ng Selecta Ice Cream para pasalubong sa Mrs nya, pang-Valentine :)



*CROCODILE FARM & NATURE PARK*







*BUTTERFLY FARM *





*MITRA RANCH *

Sabi nila meron na raw Zipline dito ngayon!  The Baker's Hill is just a walk away from here where you could buy baked delicacies and much more.  Just don't know why we have not taken photos of Baker's Hill.





*IWAHIG PENAL FARM *

Natakot kami sa Mamang nagbukas ng van namin kaya napabili kme ng souvenirs from him ng wala sa oras.  Syempre inmate rin sya don.






*MANONG DRIVER *

Sobrang labong mabasa mo itong post ko.  Pero saludo ako sa kabaitan mo at dedikasyon sa trabaho.  Sana dumami pa ang mga tulad mo sa mundo!


Blog EntryNov 5, '11 5:45 PM
for everyone
Dumating ba sa punto ng buhay mo na wala ka nang makasama sa paggala?
 
Yung panahong kumikita ka na ng sarili mong pera pero hindi mo naman magastos dahil wala kang kadyaming?
 
Kasi yung mga katropa mo e maaaring busy sa kani-kanilang career para kumita pa ng mas maraming pera o kaya e kinakarir ang kanilang lovelife para lumagay na sa tahimik o kaya ay nagta-trabaho sila sa kolsener kaya hindi magkatagpo ang inyong off?
 
Nangyari saken to.
 
Kaya nag-isip ako ng matindi.  Nagmunimuni.  Tumingala sa langit upang makahanap ng kasagutan.  Kinunsulta ang horoscope.  Nagpahula sa Quiapo.
 
But all my efforts remained futile.
 
Bakit kaya wala akong lovelife?  Bakit kaya parang naglaho lahat ng aking mga ka-bagang?  Magkolsener kaya ako?

At dahil sa araw-araw kong pamamalagi sa bahay pagtapos ng work e may naisip akong ediya.

Why not MY siblings?  Pwede!

Tutal malalaki na rin naman sila.  Si Rachel, meron na ring work.  Si Rose nag-aaral pa pero pwede na ring isama sa mga lakaran.  All we need to do e maghanap ng sponsor (sa katauhan ni Itay hehe) para hindi masyadong malaki ang paghahatian namin ni Rachel sa gastos.

To cut to the chase, napunta kami ng Palawan yey!


 
Nagstay kami sa Kawayanan Resort.

 


 
 

 
We chose stay in this resort kasi may pool.  At least pwede pa rin kaming mag-unwind pagtapos ng mga tours.
 
Tapos may free 1 hour videoke session everyday.  Kasama na rin sa package ang bilyar.  Yun lang, out of order ang bilyaran nung andon kami.

 





 

Parang eto ang first and last pool party namin.
 
Kasi ang mga sumunod na araw namin sa Palawan ay talaga namang PAGURAN!

Blog EntryNov 4, '11 3:53 PM
for everyone
Nagpunta kami ng Pangasinan para sa blessing ng hacienda (bahay) ng Pamilya Zaragoza.  Ito ang aming monicker sa pamilyang Ferran dahil isa silang success story.
 
Sina tito Jay and tita Perl ay may maliit na tailoring shop sa Mendoza Street sa Makati.  At mula sa kanilang sipag at tyaga ay nagawa nilang papagtapusin ang kanilang 3 bagets sa kursong Engineering: sina Ate Nette, Jason and Joel.
 
Magpahanggang ngayon ay hindi ko nga mapagtagni-tagni kung pano nagawa ng mag-asawang Ferran na papagtapusin ang kanilang mga anak lalo pa na lahat sila ay nag-aral sa Mapua.  Tuition pa lang pamatay na, e pano pa ang pang-araw-araw na pangbaon saka mga extra gastos sa school gimik/gala projects.
 
Sabagay, bibong-bibo rin naman kasi ang tatlong magkakapatid.  Lahat sila naging scholar, at naging masigasig naman talaga sila sapagbubulakbol pag-aaral.
 
Siguro, sa pagtutulong-tulong na rin nilang lahat.  At siguro, dahil likas naman talaga silang mababait.

Kaya naman, SUPER BLESSED sila ngayon!

Naaalala ko tuloy na parang naging 2nd home ko na ang bahay nila.  Pagkagaling sabilyaran school, usually ay derecho na kami kina Jason.  Maghahalungkat ng kung anong pwedeng ngasabin sa ref o kaya ay magluluto na lang ng pamatay na Lucky Me pancit canton at maglalaga ng itlog.
 
Biruin mo, kung sa isang linggo ay ganito ang routine namin, at pagpalagay na lang na 3 times a week e andon ako, di ba ang laking pabigat na para silang carinderiang bukas para sa lahat ng gustong kumain?  Tapos may kaibigan din syempe sina Te Nette pati si Joel.  Tapos may iba pa ring kaibigan si Jason bukod sa akin.  Just imagine that.
 
Pero ni isang beses ay hindi ko nabalitaang naghikahos o nangutang o nagbenta ng laman dumaing man lang ang mag-asawang Jay & Perl.  In fact, e ang sasarap nga lagi ng ulam nila (kaya kami laging andon hehe).

Eto pa: nangungupahan lang sila sa bahay nila sa Makati!

Hindi kaya front lang nina tito Jay and tita Perl ang tailoring shop nila.  At sa ilalim ng shop nila e meron pala silang drug lab?  At ang rason kung bakit nakapagpatayo sila ng bahay sa Aguilar, Pangasinan ay dahil mga drug lord sila?

Hehe joke lang.  Iba lang talaga ang mag-asawang ito.  Dahil sila ay maabilidad, masinop, masipag, mapag-aruga at higit sa lahat, a couple with a BIG heart!

Idol ko nga sila e.  And when I grow up, I want to be like them.

Pero hindi naman pwedeng andon lang kami sa hacienda nila di ba?  Ang lagay ganon na lang yon?  Sayang naman ang pamasahe.

Hindi nila alam, may maitim talaga kaming balak at ginamit lang namin ang bahay nila para manginain at magkaroon ng ibabaon sa aming tunay na destination:
ang 100 ISLANDS!

Nagbayad kami ng extra para dalhin kami sa island na hindi malimit puntahan ng mga bakasyonista at hindi part ng usual island hopping package.

Sabi nung bangkero, dito raw shinooting yung telepantasya ni Claudine na Marina.

 



Eto naman ang mga pasaway at palakanton na mga kaibigan nina ate Nette at Jason.
 
Actually, payat kami lahat dati.  Sa kakatambay sa kanila, nagsitabaan na kami lahat.

 

Meng, Lai, Jason, Mike, Che & McRICH

 

Natakot ako dito kasi sobrang lalim.
Kita naman sa mukha ko hehe.
High tide na kasi sa jump-off point ng snorkeling area.

 


 
Kelan kaya ang reunion trip namin? Na-emo lang ako bigla.


Blog EntryNov 3, '11 4:32 PM
for everyone
Nag dalawang limang-isip ako kung magba-blog ba ako tungkol sa Sagada o hindi.  Eto kasi yung panahong, isa akong botchog.

Gusto nyo ng proof?
 
 
Masferre Inn Breakfast with Beth (in red) & Lai (in brown).

Dati akong naging mataba, mabigat, mala-kamatis ang ilong, usli ang tyan, mala-monay ang pisngi at commercial model ng Pigrolac.

Ikaw ba naman ang magtrabaho sa pagawaan ng tsokolate sa Saudi for more than 2 years (opo, isa akong former saudiyuki), ewan ko na lang kung hindi ka rin um-obese like me. Tapos broken-hearted pa.

Aminado akong napabayaan ko talaga ang sarili ko nung panahong yon.

Kaya nga nung nagtext si Lai kung gusto ko raw sumama sa Sagada. Nagtext-back agad ako: "K pakd olredi lesgo!"

Kasama ko sa trip na ito si Paul (saudiyuki rin), si Beth (japayuki) at si Lai (isang engkantada --- ikaw ba naman ang may kapangyarihang kumuha ng lakas from nature. Yon kasi ang goal nya.)

At tumuloy kami kahit sa kasagsagan ng bagyo.

Di rin nagpatinag kahit sa landslide.

While waiting for the "debris cleaners."
Kita nyo ba yung bus sa other side ng landslide?

 
Ganon kami kapursigido dahil gusto lang naming makalabas ng Metro Manila for a change.
 
At na-enjoy naman talaga namin ang Sagada:


Hanging Coffin

 
nalula sa bangin na pakiramdam ko e pag naubo lang ang driver e alaala na lang kami at pwede nang offeran ng a-minute-of-silence, lakad-lakad sa Sagada habang umuulan papuntang bukana ng kweba-simbahan-Sagada weaving-hanging coffin-souvenir shops, kinakausap lahat ng makasalubong kasi puro foreigners at mga inglesero ang mga tao don, laugh trip, jerbak trip dahil sa food trip (andaming pwedeng kainan sa Sagada as in, kahit parang dulo na ng mundo ang layo nito), halos manigas sa nginig dahil sa lamig ng tubig kada maliligo, pahinga lang at basa lang ng Harry Potter.

Ewan ko ba kung bakit hindi namin napuntahan ang Big Falls, hindi na-experience ang cave connection, hindi man lang nakapagkandirit sa mga rice terraces at hindi rin nag-overlooking views?

Pakiramdam ko tuloy ginamit lang kami ni engkantadang Lai para makuha ang bertud na inaasam nya hehe.

Sabagay, mas okay na rin.  At least, meron pa kaming ilu-look forward sa paglaki ni McCALE sa panahong pwede na syang magcaving.

At malamang si McAIM na ang aming tourist guide dahil kinarir nya na before ang cave connection pati na ang Big Falls!




Blog EntryNov 2, '11 7:54 PM
for everyone
Habang tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng aking site at pagtuklas kung pano ba magpalit ng design template at magpost ng blog from this site to Multiply (tulong anyone?), naisipan kong mag-ala-TRAVEL-PHOTOBLOG muna para happy-mood pa rin.
 
At dahil kao-All Saint's Day lang kahapon, at technically e talagang today ang Araw ng Patay, gusto ko pa rin sanang magblog tungkol sa temang patay, temang natigok, temang lumisan o sa temang alaala na lang.
Eto na po.


Poorman's Boracay ang tawag sa Puerto Galera.  Sa kadahilanang obvious naman.

Biruin mo, napakadaling puntahan: sakay ka lang ng bus byaheng Batangas pier, pagdating sa pier, sakay naman ng Supercat papuntang Sabang port o derechong White Beach; alin man sa dalawa ang napili mo, don't you fret dahil andon ka na!

Mura rin lang ang bilihin especially ang food.  Sa Sabang kami nagstay.  Hindi problema ang pagkain dahil pwede ka mamalengke sa talipapa nearby.  Kahit sa mismong White Beach, mura rin lang ang mga meals tapos sariwa pa.

Maganda ang tubig pati na ang buhangin, mala-Boracay.  Yun lang, nung andon kami, merong nangangagat sa tubig.  Di ko lang sure kung zooplankton ba yon o dikya o krill o pating (na microscopic hihi).  Pero siguro tsambahan lang.

So asan na ang kwentong may temang patay, temang natigok, temang lumisan o temang alaala na lang?

Patience pwede?

Dahil atat ka, eto na.

Pagtapos namin mag-island hopping at dumaong muli sa Sabang beach, dali-daling lumukso si Jason from the bangka to the tubig.

Naatat din lang para kunin ang starfish.

Huli na nung maalala nyang ang pamatay nyang 8210 cell phone (na Made in Finland--may backlight---original ang casing--hindi bili sa Greenhills--rurok ng kasosyalan nung panahong yon) e nasa bulsa nya.
Kasabay ng tunog ng pagtilamsik ng tubig, likha ng kanyang pagtalon, narinig na lang namin ang sigaw na:

!&*_^$x=%^#^*%^-#^&@*
+
+
+

RIP.

Blog EntryNov 1, '11 7:04 PM
for everyone
Sobrang excited ko today.  Ang sarap lang gumamit ng bagong platform sa pagba-blog.  Alam mo yon, parang lumipat ako ng panibagong bahay o lugar o bansa tapos pinipilit kong gamayin ang bago kong mundo.

Nagta-trial and error, basa-basa, nag-aayos ng design, nagse-save ng mga settings, lahat bago.  Buti na lang user-friendly naman ang bago kong portal at sa palagay ko naman ay matututo pa ko pag tagal-tagal.
 
So sa ngayon e magpapaka-adik lang muna ko sa mga positive vibes at ii-enjoy lang ang moment na ito na hindi na ulit maaaring bumalik kahit kelan!

* * * * *

Ang sarap din lang i-launch ang aking bagong blogsite sa isang very memorable day sa buong kalakhang Pilipinas: All Saint's Day.

Why not.

Pero ang totoo, nagkataon lang talaga.  In good mood lang talaga ko.  Nagkataon din lang na onte ang ginagawa ko sa trabaho.  Tapos pwede na kong magblog ulit anytime from Sun to Thurs dahil hindi blocked ang Blogger sa system namin, yey!

Tapos naiisip ko rin lang ang scenario sa Pinas ngayon: FESTIVE!  Parang ang sarap lang sariwain nung nugget pa ko, tapos naging bagets, tapos naging not-so-bagets.

* * * * *

Nung nugget/bagets pa ko --- ikot-ikot sa sementeryo, nangunguha ng kandila, makikipagdeal sa mga puntod-owners na wala kaming masamang balak sa mga kandila nila, na ang upos lang talaga ang pakay namin (pero wag ka, haharbatin na rin pag wala ng tao hehe) tapos ibebenta.

Nung not-so-bagets na ko --- kain lang ng mga delicacies from Tiaong and Lipa, bonding-bonding lang sa mga kamag-anak, kwentuhan at pag nainip e punta na lang kaming Glorietta para manood ng sine.  Iwan muna namin si Inay.

At sa ngayon na am-not-so-bagets-anymore, eto bumablog habang nagta-trabaho.  May pasok kasi kami.  Dahil hindi naman kasi uso ang Araw ng Patay sa bansang napuntahan ko.

Pero kahit andito ako (tumitipa-tipa ng keyboard, naka-upo, nagpapanggap na bisi-busy-han), ang gaan pa rin ng pakiramdam ko.

Masaya na malungkot, na naho-home-sick, na wishing-i-am-there-you-are-here, na wondering kung sino ang mga present sa reunion, na curious kung ano ang mga handa today, na lumilipad ang isip, at napapangiti na parang baliw lang.

Tapos naisip ko lang, parang gusto kong MAGTIRIK NG KANDILA:

Para sa nangibang-kumpanyang Lab Manager namin.  (I know wala syang kinalaman sa blog ko pero gusto ko lang kasing magpost ng picture hehe.  Anyway, parang ganon din naman ang tema --- patay, natigok, lumisan, lumipat ng company, alaala na lang, gets?)

+ Hulaan kung sino si McRICH at kung sino ang ALAALA na lang +
 
 
Alam na!

Para sa BAGO kong BLOGSITE, woot --- sana sipagin akong magpost, sana maraming magbasa, sana maraming dumaan, sana maraming magcomment, sana marami ang ma-inspire, sana marami ang maka-relate at sana magkaroon ng World Peace.

At para sa LAHAT ng mga YUMAO --- wherever YOU are, just STAY there, PLEASE lang!

Blog EntryOct 21, '11 5:05 AM
for everyone

Tayo’y lalangoy sa agos ng buhay

Sa bawat pag-alon, tuloy lang ang kampay

Ako’y nandirito, laging kasama mo

Tayo’y maglalayag sa buong mundo

 

*** Kinodak ni Inay sa paraiso ng Camiguin sa gala namin ni Buntis last Feb 2010. Ito ang aking Official Entry sa pabulosong patimpalak ni kakosang BULAKBOLERO ***

Gusto mo ring sumali? I-click lang ang LINK!


Blog EntryOct 14, '11 1:25 PM
for everyone

Andito na ang aming hebigat na kapatid, si Rose!


Hebigat dahil sya ang namumukod tanging Registered Nurse ng pamilya. Lahat kasi kme inhinyero (oops pwera pala si Ma dahil sya ang bestest nurse naman ever hehe).

Hebigat dahil lagi na lang syang Take 1. Sa Philippine Nursing Board, sa Kingdom of Saudi Arabia Commission for Health Specialties at ngayon naman, sa Health Authority-Abu Dhabi, UAE.

At dahil hebigat nga sya, kinakailangan na naming magtransfer ng mas hebigat na humble abode. Hindi na kasi kme kasya.

Kaya nag-joint forces kami nina McAim, Ate and Me sa paghahanap ng malilipatan:

Sinuyod ang bawat kalsada ng Abu Dhabi hanggang sa mapudpod ang aming Spartan and Rambo flipflops. Nagbasa ng mga ads na nakapaskil sa lahat ng pwedeng paskilan ng mga bibong pinoy (pader, poste, bench, internet). Nag-visitation rites sa mga open houses at inalam kung papasa sila sa aming pihikang panlasa.

Eks.

Ang ending: lumipat kami sa 15th floor ng TGIF building; mula sa dating flat namin sa 14th floor. Anlayo di ba?

Sa paglilipat at paglilinis ng room, joint forces ulit. Kita naman sa picture, na kinarir namin ito talaga:


Andyan din ako. Nagpahinga lang to take the photo :)

Finding an abode in the city is always a choice.

Choice between COMFORTABILITY versus TIPIDABILITY. Living in LUXURY vs. Living FRUGALLY.

And almost always, we always choose the latter.

Pero lahat ng ito nagbago..

Nagpost ng WANTED list sa Abu Dhabi Freecycle; kaso walang nagreply. NagPM sa mga kakosa; pero walang available na pwedeng ipamana. Naghanap ulit sa internet para sa mga second-hand stuff; nakakuha naman kami ng mga great bargains. Inabuso ang Etihad Miles para ma-avail na ang points pangpalit ng furnishings.

At pikit-matang bumili ng iba pang kailangan dahil wala na talagang choice hehe.  

Our SIBLINGS is HOME. Because having them here now, reminds us of that place. That very special place.

Kaya kahit mas magtipid pa kaming mag-asawa, okay lang.

Ang importante makuha namin sila, maging komportable sila and hoping that soon, they would find HOME in the place that we have now.

We may not have everything, pero we have each other. Yun lang naman ang importante.

Next STOP… Project ATALENG!


Blog EntrySep 30, '11 12:26 AM
for everyone

 

Part ONE Here

 

 

BOWLING – dumating naman sa buhay ko na grumaduate na ko ng college.  (OA naman kung hindi ko pa tatapusin ang 1+6+4+5=16 years kong pagbubulakbol pagsusunog ng kilay.) 

 

Syempre atat magkatrabaho para may sarili na ring datung.  Na-adik lang tuparin ang mantrang: 

 

Sariling anda = independence.  Sariling money = endless possibilities.  Sariling pera = less parent’s intervention.

 

Kaya nung nagka-trabaho ako, GO lang ako ng GO. 

 

Meron na kasing MAS malaking budget.  Tapos syempre singleness ako.  Yummy.  Yuppie.  Busilak.  Sariwa.  Adventurous! 

 

At sa ka-GO-GO ko, nahilig naman ako sa pagbo-bowling.

 

Katulad ng dati, kinarir ko ito. 

 

Eto na. 

 

In one of my career-defining-moments sa bowling, kakampi ang isa kong college friend, ina-ply muli namin ang Talo-Bayad-Frame-Rule. 

 

Cue Guy Sebastian Song – Climb Every Mountain.

 

Sinunod ko ang aking pamatay na moves:

 

Tumayo pagkatapos tumira ng kalaban.  Pahanginan ang daliri ng kamay sa vent (e wala palang hangin.  Pwes just pretend na meron.  Isa kaya to sa mga critical steps!)  Igalaw-galaw ang mga daliri na ultimo’y nag-i-incy-wincy-spider-went-up-the-water-spout.

 

Then, kumuha ng bolang kayang-kayang iwasiwas hanggang sa dulo ng lane.  Ipasok ang mga daliri sa makikipot na butas. 

 

Humarap sa lane.  Magfocus.  Titigan ang kingpin.  Tingnan kung sino ang unang kukurap.  Kung ang kingpin ba o ikaw.  Try mong gulatin, baka sakali lang, haha.   

 

Kumanta ng My Humps, (yes, your lovely lady/manly hump) at magpump-pump-the-pwet ng 3 times habang derecho ang iyong spinal column, on bended knees at kiput-kiputan o magkatabi ang binti at paa, habang nakatitig pa rin sa kingpin. 

 

Ipadausdos ang kanang paa ng marahan.  Isunod ang kaliwang paa ng mas mabilis.  Isunod muli ang kabilang paa sa paghakbang, na parang aligaga o natataranta lang. 

 

Sa huli ay ihagis ang bola na parang na-fed up ka na sa mga ka-eng-engang ginawa mo sa paglalaro ng bowling. 

 

At this stage dapat ma-maintain mo ang iyong winning form: naka-take-a-bow habang nakikipagtagu-taguan ang kanang paa sa kaliwang paa; nakamwestra ang kaliwang kamay na parang nakikipag-patintero; nagsi-sway pa rin ang kanang kamay dahil sa aftershock ng pagkataranta sa paghagis sa bola; at masama pa rin ang titig sa kingpin!

 

ENDING:  nagbayad kami ng kakampi ko ng tig-Php1000+.

 

Galit na galit sya.  Di ko alam kung bakit.   


Blog EntrySep 22, '11 10:25 AM
for everyone

 

… ang isa sa pinakaBIBO kid na nakilala ko sa buong buhay ko! 

 

Oo totoo yon!

 

Ikaw ba naman ang maging HONOR STUDENT mula kinder.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng Makati City Bigay-Pagmamahal nung hayskul.  Ikaw ba naman ang maging SCHOLAR ng SM Foundation, Inc. nung kolehiyo.  Ikaw ba naman ang maging Licensed Electronics and Communications Engineer.  Ikaw ba naman ang pumasang migrante sa AUSTRALIA. 

 

Oo, IKAW na!  IKAW na ang MAGALING!  IKAW na ang nasa RUROK ng TAGUMPAY!  IKAW na ang SUCCESS STORY!

 

E naaalala mo ba nung isang beses na nag-adik ka sa bilyar at umuwing madaling –araw na?  Di ba kinotongan ka ng tatay mo, nang tuloy-tuloy at walang puknat, hanggang sa makauwi ka sa inyo?  At dahil nahihiya ka sa mga brgy. tanod, na kilala mo rin, e nakayuko ka lang during the whole ordeal. 

 

Iniisip ko nga kung pano ka nakatawid sa kalsada, without looking to the left, to the left and to the right, to the right?  Pano yung mga nagdadaanang sasakyan?  Siguro sila ang nag-iwasan.  Ang galing mo talaga. 

 

E yung mga lakwatsa mong overnight na ang paalam mo e AKO ang kasama mo at sa amin ka matutulog, naaalala mo pa ba yon? 

 

Syempre pinapayagan ka naman dahil alam nilang kasama mo AKO.  AKO, na may busilak na kalooban, kapita-pitagang pag-uugali at mabuting impluwensya sa ‘yo. 

 

Hindi lang nila alam, kinukuntsaba mo ako.  At kahit hindi ako payag sa MAITIM mong balak, wala akong magawa.  Nangibabaw pa rin ang pagkakaibigan natin. 

 

Dahil syempre, kung san ka masaya, sopurtahan taka.

 

Pasensya ka na nga pala kung hindi ka naging lider sa Science Class natin nung 1st Year.  Alam mo naman ako, bibo rin. 

 

Ang mahalaga, ikaw naman ang naging Best Actor dahil sa role mong sintu-sinto sa Math & Science Week.  Nakatanggap ka pa nga ng NIPS di ba?  Ang saya-saya mo pa non.

 

Napaka-natural kasi ng acting mo non.  Sobrang makatotohanan.  Ang galing ng pagkakaganap mo.  Bagay na bagay.  Parang IKAW.  IKAW na IKAW.

 

Pasensya ka na rin kung nasigawan kita nung 4th Year sa THESIS. 

 

Nagulat kasi ako nung ang Natural Dye from Tuba (Jatropha curcas) Leaves ay nag-yield ng iba’t ibang kulay.  Sabi mo, depende sa pagkakaluto ng leaves ang kulay na mapo-produce.  Naniwala naman ako.  Yun pala, dinaya nyo.  Sobrang tingkad ng lumabas na result when applied to cloth.  Yun pala, linagyan nyo ng tunay na dyobos.

 

Pero tingnan nyo naman.  Nagbunga ang pagsigaw ko sa inyo.  Dahil nadagdagan kayo ng isang medalyang pakalat-kalat sa bahay nyo.  Best in Thesis ba naman, naks. 

 

Kaya sori na ha.  Wag nang mag-umarte.  Antagal na nyon.  Move on na tayo.   

 

Sa ngayon, musta ka na ba?  Wala na kasi akong balita sa ‘yo.  Lam ko, busy ka.  Hindi ko nga alam kung nasa OZ ka na o sa nasa Pinas o nasa tabi-tabi lang.  Hindi rin tayo nakakapagchat.  Kahit e-mail or FB or text.  Syempre busy din ako.

 

Pero kahit anong ka-busy-han ko, gusto kong malaman mo, na I wish you well.  Wish ko, lagi kang masaya.  Wish ko, lagi kang may pera.

 

At... 

 

In ABUNDANCE of EVERYTHING. 

 

Always SAFE. 

 

Always in PERFECT HEALTH. 

 

Always on TOP. 

 

                                   HAPPY BIRTHDAY!


Blog EntrySep 20, '11 2:02 PM
for everyone

Ipagpaumanhin nyo po kung lately e parang pormalin ako masyado.  Parang na-emo akong bigla.  Hindi naman bagay.  Sa edad kong to, umi-emo?  Drama-drama ang mga posts?  This is not me.  Kaya kung ipapahintulot nyo po, gusto ko po sanang bumalik sa regular programming.        

Nag-aaral pa lang kasi ako, mahilig na ko mangarir.  No-no ako sa Second-Rate-Trying-Hard-Copycat.  Baka kasi matapunan rin ako ng isang basong tubig sa mukha.  Okay lang kung Evian ang tubig, e pano kung tubig na mataas ang coliform count o may E. coli?  Mahirap na.

Ayoko rin ng mediocre lang.  Pangit mabuhay out of mediocrity.  Yung tipong gigising, maliligo, kakain, magta-trabaho, uuwi, kakain, matutulog.  Tapos kinabukasan, ganon na naman.  Nasan ang BUHAY don?  Parang nag-e-EXIST ka lang.  Hindi ka talaga nabu-BUHAY.  Sayang di ba?

Kaya naisipang kong i-share ang ilan sa mga bagay-bagay na kinarir ko sa buong buhay ko.  Sa palagay ko kasi, ang mga ito ang magiging kasagutan sa problema ng global warming, uprising sa Mid East countries at ng bumababang palitan ng US Dollar kontra Philippine Peso.  Magbasa pong mabuti at wag bibitiw.  Dahil siguradong kapupulutan ng aral ang aking post sa araw na ito.  Eto na po.

 

BILYAR – nag-umpisa lang to sa pagsama-sama ko sa barkada kong kasabay ko umuwi.  Tumatawa-tawa lang ako noong una.  Tawa-tawa lang sa tuwing titira sya tapos hindi tatamaan yung bolang dapat i-shoot sa butas.  Sa isip ko nga, ang eng-eng naman nitong barkada ko.  Madali lang kaya yan.  Pinaghalong Physics at Trigo lang yan.  Kung gusto mo pa, samahan mo na rin ng Geometry.  Tsk, tsk, loser. 

Eto na, sa kakaantay ko sa barkada ko, dumating ang panahong nagtry na rin akong magshoot.  Aba, hindi pala madali.  Challenging pala to!  E ano pa nga ba ang gagawin ko?  E di, karirin.

Bago pumasok sa klase, pagkatapos ng klase, bago umuwi.  Sa Coronado Lanes, Makati Cinema Square, Superbowl, megamol. 

Nakita pa nga namin minsan si Vic Sotto, nagbibilyar din kasama ang mga dabarkads nya.  Gusto ko ngang lapitan at sabihing, “Bossing alas-tres na, mag-i-Eat Bulaga ka pa mamaya, uwi na.”  Hehe. 

Natuto kaming magtipid dahil sa bilyar; dahil sa kaadikan sa bilyar.  Biruin mo yon, okay na sa amin ang palutong 10 pisong Lucky Me Instant Canton sa bilyaran.  Tapos kung hindi pa ganon kaganda ang pulso namin sa araw na yon, ang ending namin e sa Lugawan sa PRC.  7-9 pesos na lugaw with egg o kaya, goto.  Bibili pa kami ng 1 liter na Royal pangtulak.  Solb. 

All in the name of BILYAR!

 

Part TWO Here


Blog EntrySep 16, '11 3:57 PM
for everyone

Nakakatuwa. 

Napapangiti na lang ako sa tuwing may babati sa aking kakilala at pumupuri sa mga ginagawa kong blogs.  Nakakataba rin ng puso lalo na kapag nakakatanggap ako ng mga komento mula sa mga hindi ko talaga kakilala.  Dahil mayroon na palang ibang nagbibigay-panahon para magbasa maliban sa aking pamilya o mga kamag-anak!   

Naaalala ko pa noong pinadala ako ng school namin para sa isang Sanaysay Writing Contest sa Nayong Pilipino.  Ang topic, si Jose Rizal.  Memorable kasi hindi ako nanalo.  Kahit ‘yung pambato talaga ng school namin e umuwi ring luhaan.  Ang tangi lang consolation: libreng tinapay at softdrinks na bigay ng teacher namin, at saka, Certificate of Participation. 

Sa ngayon, alam kong hindi pa rin pagsulat ang aking cup of tea.  Aminado akong I am not good with words pa rin at hindi ako katulad ng iba na natapilok lang e nakagawa na agad ng obra-maestrang blog mula sa pagkatapilok nya.  Sila talaga, sa palagay ko, ang mga mababangis.    

Nagsimula lang naman talaga ‘to noong nagkaanak ako. 

Wala kasi ako talagang masasabihan ng mga niloloob ko tungkol sa pagsisimula ng bagong yugto sa buhay ko.  Tapos nami-miss ko ang Caleb namin.  Alangan namang sabihin ko sa Misis ko.  E ‘di dalawa pa kaming nagngawaan. 

Marami rin kasi akong iniisip, mga plano ba, saloobin.  First time daddy, syempre wala pa akong experience.  Tapos, malayo pa sa mga kaedarang nagsisimula sa pagpapamilya.  Wala talaga akong matatanungan.  Effort naman kung mag-overseas call pa ‘ko lagi o kaya magPM-PM sa mga kakosang daddies.  Alam ko naman, lahat busy.  Kahit dito.  Kahit mayroong mangingilan-ngilang kumpadreng maaaring maka-bonding e hindi ko pa rin magawang mang-abala.  Syempre, busy din sila.     

Gusto ko rin sanang i-chronicle para doon sa mga katulad kong newbie sa daddyhood.  Alam ko kasi hindi madali. 

Saka ang ultimate consolation sana e kung dumating ang araw at mabasa mismo ng aming anak ang aming pinagdaanan, bilang pamilya, habang sya ay lumalaki.  Again, hindi kasi talaga ganoon kadali.  Pero ang mga natututunan namin sa ngayon, ang sa palagay ko, ang magpapatatag pa lalo ng pundasyon ng aming pamilya para sa napakahaba pang panahong pagsasamahan namin.   

Kung natalo man ako DATI sa Nayong Pilipino, alam kong PANALO na ako NGAYON sa Laro ng Buhay. 

Ang mahalaga kasi e ang laging PAGBANGON, at gamitin ang bawat natututunan, sa pagharap ng NGAYON. 

***

Ikaw, WAGI ka rin ba?  Kung ganon, BOTO na DITO (No. 12 Blissfully RICH)!


Pages:1234

Rich :-)

I believe in the greater reality of the promises of God, more than the prevailing circumstances that I see. No weapon formed against me shall prosper. Fear and terror shall gather together and come against me, but they will fall for my sake. I believe that according to His plan and purpose, He will perfect that which concerns me and lead me to my eternal destiny. By His grace, God has made me rich in Christ. He became poor so that through His poverty I would become rich. My God supplies all my need according to His riches in glory by Christ Jesus... I AM BLESSED TO BE A BLESSING!   
 

 


  Get your own free Blogoversary button! Personal - Top Blogs Philippines  Proudly Pinoy! PH Blogs