UNANG SABAK  Bagets pa ako noong unang mag-abroad. Year 2001 pa ‘yon. Twenty three (23) years old lang ako. Ang destinasyon: Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. The Oil Capital of the World. Ang numero unong destinasyon ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs). At kung alahera ka, ang Land of Saudi Gold (na may mas mataas na turing kaysa karaniwang ginto)! Tandang-tanda ko pa noon. Hindi ako natakot. Ang lakas ng loob ko. Kinaya kong talikuran ang lahat. Nagpakatatag. Ganon yata talaga. Kasi ako'y in-love! Magkaroon lang ba ng panghanda sa kasal---na pinag-ipunan ko. Pang-down-payment man lang sa bahay---na pinag-ipunan ko. Pansimula---na pinag-ipunan ko. Handa kong tiisin ang lahat ng lungkot, pagod, luha at pawis (dahil talaga namang tagaktakan tuwing summertime) para lang sa kanya. Yun lang. Hindi na pala kami pareho ng goal. Iba na pala ang agenda n’ya. Dahil pagkatapos lang ng anim (6) na buwan, meron na pala siyang iba. At sorry na lang ako. ‘Yan ang napala ko! Kung dati, ang tiniis ko lang ay lungkot, pagod, luha at pawis; nasamahan pa ‘yon ng uhog, eyebags at utang sa load! Hanggang sa matapos ang dalawang taong kontrata ko... Hanggang sa pag-uwi ko ng Pinas... Umasa pa rin ako... Na sana... Magkabalikan pa kami. Na sana ako si John Lloyd, s’ya si Bea. Na sana ako si Popoy, s’ya si Basha. Gusto kong sabihin na: Mahal na Mahal ko s’ya; kahit ang sakit-sakit na. Na sana AKO pa rin. Na sana AKO na lang. Na sana AKO na lang ulit. Pero hindi pala kami ang main characters ng One More Chance. Ang LOVE STORY pala namin, wala nang LOVE. Ang natira na lang, STORY. At ang STORY naming minsa'y nag-dream at nag-believe, e hindi nag-survive. Bigo man sa pag-ibig, bumalik naman akong ibang-iba sa dating ako. Kaya ko palang mabuhay mag-isa, kahit malayo sa sariling pamilya at mga kaibigan; na madali lang pala magluto, maglaba, maglinis ng flat, ng room space, ng banyo at ng kusina; mamalantsa, mamalengke, alagaan ang sarili sa panahong maysakit (dahil wala akong aasahan kundi ako); at magtrabahong maraming gumugulo sa isip at mabigat ang dinadala sa dibdib. Madali lang palang magtiis. SUBOK ULIT  Sabi ulit sa One More Chance, kaya raw tayo iniiwan ng taong mahal natin ay dahil mayroong darating na mas magmamahal sa atin. ‘Yung hindi tayo sasaktan at paaasahin. S’ya yung taong magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin. Totoo pala 'yon. 2009. Natuto ulit akong mangarap. Pero sa pagkakataong ito, may katuwang na ako! Dalawa na kami. Nagbubuo ng pamilya. Kumakayod. Nag-iipon. Nagsasakripisyo. Nagtitiis sa bawat segundo, minuto, oras, araw at buwang hindi kapiling ang aming anak. Mahaba pa naman ang pagsasamahan namin. Sa future na lang kami gagawa ng marami pang memories. We still have a lifetime to explore. Kaya konting tiis pa. Malapit na naman kaming umuwi. Uwing not just for GOOD, but for the BETTER. Sa ngayon, ngiti-ngiti na lang muna. Nagto-thought bubbles: ng bahay na pinundar, ng sariling oto, ng kaunting ipon, maliit na negosyo. Pwede na. Ang sarap. ‘Yung thought na kayo ‘yung nagpursige. Dalawa kayong nagtulong. ‘Yung hindi bigay lang ang inyong pangkabuhayan showcase. Na kayo ang nagbuo ng inyong house and lot showcase. Ang sarap. Kaya kung tatanungin n’yo kami kung bakit kami umalis sa Pilipinas? Dahil sa lahat ng ito. Dahil lahat kami, nangangarap. Dahil lahat kami, umiibig. We have a big heart. Hindi lang dalawa ang puso namin. Ang puso namin extends to the whole family. Mga magulang na kailangan ng sustento buwan-buwan. Mga kapatid na kailangan ng tulong. Mga pamangkin na pinag-aaral. Minsan nga, kahit hindi namin ka-ano-ano, tinutulungan pa rin namin. ‘Yun kasi talaga kami. Lahat kaming OFWs. Ang puso namin---Pinoy. GOING HOME  Ang AIRPORT: pinakamasayang lugar sa bansang pinagta-trabahuhan ng kahit sinong OFWs. And if you will look around, lahat ng Pinoys, animated. May kanya-kanyang eksena. Lahat nakangiti. Lahat nakatawa. Pinoy na nagmamadali. Dala ang tatlong balikbayan boxes, isang backpack, isang shoulder bag at isang malaking stuffed toy. Kumapit ka! Kasi ang baggage allowance = 20-kg + 7-kg hand-carry. Makakapasok kaya ang mga bagahe? Aba syempre! Maaabilidad yata ang mga Pinoy. Lahat ng reject sa check-in baggage, pasok sa hand-carry. ‘Di lang magpapahalata. Dahil ang hand-carry, naging eksenang Ate Shawie (Pasan Ko ang Daigdig). Mayroon namang nakaupo. Biglang tatagilid. Aanggulo. Isa-side ng kaunti ang pisngi. Hawak ang cellphone, itataas ang kamay. Sabay, FLASH! Instant photo. Pwede nang pang-FB. Tapos magsa-shoutout: Now in the airport. Waiting to board. I am so excited. I just can’t hide it! Obvious naman. Ikaw ba naman ang magpictorial sa airport ng walang humpay. Akala tuloy ng katabi n’ya, nag-seizure s’ya. Pero walang problema. We understand. Moment mo ‘yan. Walang pakialaman. Eto pa, mayroon yatang nag-aaway. Sumisigaw. Nagtatatalak. A, si Kabayan pala. May kausap sa cell phone. Pakisabi raw sa kanyang kapamilya, kapuso, kaibigan, ka-balitaan, kakampi, ka-eskwela, katambay at ka-bagang, na pauwi na s’ya. And that they will paint the town, red. Very, very deep red! Natakot ako. Manananggal 'ata si Ate. Dadanak daw ng dugo! A, okay. Ibig sabihin lang pala, magkakaroon sila ng bonggang-bonggang party sa pag-uwi n'ya. Pagtapos kong masaksihan ang iba't ibang eksena. Napagtanto ko, pare-pareho lang talaga kami lahat. Na sobrang miss na namin ang Pilipinas. At sana sa susunod, THIS IS REALLY IS IT na. PAGBABAGO: The OFW Style  PAGBABAGO? Parang napakaseryosong topic. Parang komplikado. Ang sagot: itodo na ang pagko-quote ng mga eksenang pang-TV at pang-pelikula. Tutal ang mga OFWs naman, lahat panatiko. Para madali ring ma-gets. Para lahat maka-relate. Let's make it simple na lang. Ang Pagbabago, para lang 'yang eksena ni Nora Aunor sa pelikulang HIMALA: Walang himala. Ang himala ay nasa puso ng tao. Ang himala ay nasa puso nating lahat. Katulad ng Himala, ang PAGBABAGO, dapat, nasa PUSO! Para rin yang confrontation scene ni Bea at Maricris sa PBB Season 2: Ang respect hindi ini-impose, ini-earn yan. Katulad ng Respect, ang PAGBABAGO ay HINDI INI-IMPOSE. Hindi pwedeng ipilit. INI-EARN. Dapat pinagtutulong-tulungan. Ini-effort. The natural way. Para walang pressure. Walang tensyon. Kaya simple rin lang ang aming pangako sa bayan. Na pag-uwi namin, hindi kami magiging pasaway! Hindi kami magiging pasaway dahil ang lahat ng OFWs ay masisipag. Matatalino. Kaya nga kami gustong-gusto ng mga banyagang-amo. Resourceful daw. Magaling mag-multi-task. At laging may ngiti sa labi every minute, every hour. At sayang naman kung hindi namin ia-apply ang mga natutunan namin sa mga laro ng buhay: Office Politics, Rat Race, Survival of the Fittest. Naku, MINASTER at DINOCTORATE na namin ang mga 'yan! Lastly, natutunan na kasi naming maging isang KAWAYAN: That SWAYS gracefully with the wind. Able to ENDURE the changing weather. TOUGH on the outside; COOL in the inside. And NEVER, ever gets tired, to AIM for the endless sky. O 'di ba, kaya simple lang talaga ang solusyon: Na ang PAGBABAGO, DAPAT MAGSIMULA sa AKIN! Na ang PAGBABAGO, DAPAT MAGSIMULA sa IYO! At TULUNGAN natin ang ating GOBYERNO!   This post is my Official Entry to the Pinoy Expats/OFW Awards (PEBA) 2011. Please click the OFW Blogger Nominee Badge for more details on PEBA. Thank You!  | hi richard and aimee :-) napakadalang ko na lang bisitahin ang multiply account ng church and i was surprised na makita ang post mong ito...mukhang masterpiece ito ha at galing talaga sa puso. Kahit medyo mahaba, nakakakuha talaga ng atensyon...Hala mukhang may future ka rin sa pagsusulat... it's a beautiful piece, filled with so much hope not only for the OFWs but for us all... looking forward sa muli nating pagkikita, you are blessed! |
 | naku salamat po for taking time to read. parang napahaba nga haha :) na-carried-away yata ako. naging talambuhay ata haha :)
entry ko po kasi sana sa isang blog awards for ofws. hope makapasok.
this blog is also a FAITH declaration. kasi we really have a bright and the best future in Christ!
see you po next year! |
 | This is it be!
Wow I was so amazed, grabe ang ganda, wish ko lang mabasa sya ng lahat ng OFWs at pamilya ng mga nag-aabroad.
Nag level up ka na sa pagba-blog be! congrats!
This is truly a masterpiece! very entertaining up to the end. |
 | salamat be, syempre kayo ang aking inspirasyon! |
 | saludo ako sa iyo, goms! hindi lang pala ako ang magaling magsulat-- ikaw din pala! hahaha!!!
pinahanga mo ako dahil mukhang hindi nasayang ang mga lekyon ng buhay sa yo. 'ika nga sa panatang makabayan-- isinasapuso, isinasaisip, isinasagawa.
kasama mo akong nagdarasal para sa katuparan ng lahat ng inyong pangarap ni aimee. halik at yakap sa iyong caleb. :-) |
 | Wow! Mula sa puso at hango sa sariling karanasan. Nice one! |
 | para ba ito kay Ate Charo... ganda ng blog.. congrats po. more to come.. hehehe... |
 | nice one pareng chard.... |
 | Nice pareng Mac rich, nice work! |
 | Hey Rich! Yan pala ang kwento ng buhay mo!:) Tama ka kahit saang parte ng mundo masasayahin ang mga Pilipino.^___^ |
 | rich, your writing never fails to amaze me and make me realize "oo nga noh, ganun ang kwento ng buhay". that beyond the smiles that we have, struggles are there, kakayaning magtiis para sa minamahal. hopefully, in 2-5 years time, we won't have to leave our beloved country just to work. that our country will have sufficient work for us so we won't be far from our loved ones. isang saludo sayo pare rich, i hope and pray that the same as you, people would realize that we can do nothing without God in our lives. God bless you, aimee and caleb! |
 | Saktong sakto ang banat mo Goms! You had me at Popoy and Basha, my all time fave kilig movie! Ayaw ko na kalkalin ang naunsyaming pers lab kasi ang kapalit naman ay parang favorite quote ni Bro. Mike 'siksik, liglig at umaapaw' na endless lab ni McAim at Mccaleb. Hay, sarap ng feeling, di ba? Salamat sa mga bagong bayani, dahil sa remittance dami nang mga nagsulputang industriya, eka nga e kung wala ang OFWs, pilay ang ekonomiya. Kahit ang baba ng palitan ng pera ngayon (hikbi). Saludo ako sa inyo, dahil kaya nyong tiisin ang lahat ng hirap, makatulong lang sa mga iniwan. What is happiness? Siguro yun na ang pinaka halimbawa ng kaligayahan. Keep it up, make us all proud and shine wherever you are! Mabuhay! Teka, ask ko lang, bakit ba ang OFW laging naka maong jacket? Truly Pinoy! :) |
 | Ikaw na, the best ka! : ) Kudos to you! : ) |
 | long but inspiring. :) congrats! |
 | Wow, kakainspire from beginning to end!
I like that kawayan part. That which sways gracefully with the wind, able to endure the changing weather. Tough on the outside, but cool in the inside. And never ever gets tired to aim for the endless sky.
But I like the last part the most. That change starts in me. Di natin maiaasa na lang lahat sa ating gobyerno tapos magrereklamo when things don't go the way we expect them to be. Kailangan nating tulungan ang ating gobyerno. Kaya, tara na! |
 | welcome back then! malapit na ata un.. hehe from the traveler that i've known you e may pagbabago na nga as a family man.. inspiring indeed! |
 | aim0501 wrote on Aug 10, '11, edited on Aug 10, '11 dami dami nya comments :) |
 | iba talaga nagagawa ng pag-ibig at inspirasyon. nakaka-idol lang. saludo ako sayo, rich. :D |
 | arleendana wrote on Aug 10, '11, edited on Aug 10, '11 wow! kakatouch naman ung blog.. ngayon ko lang nabasa ng buo, medyo ngmamadali kanina.. anyway, inspiring blog.. na excite na tuloy ako maging isang OFW... through this blog, I had a glimpse of reality on life as an ofw.. that means getting out of your comfort zone but overcoming it will be fulfilling =D |
 | Great thoughts, kapatid..talagang galing sa puso. Saludo kami sa mga kababayan na katulad natin na nagsasakripisyo para sa ating pamilya sa iba't ibang panig ng mundo. Walang kataumbas n halaga ang pagsisikap at pagpupunyagi para lang malunasan ang mga sitwasyon natin sa buhay. Mabuhay tayong lahat kapwa OFW! God Bless us ALL! |
 | Bro., pa share para makarating sa mga taong kakilala natin. Thanks. God Bless. regards to your family.
|
 | bravo!! napaka ganda at sobrang nakakarelate ako lalo na sa nabanggit mo na pagmamahal ng isang OFW extends to the whole family.totoo yan at Love is sacrifice talaga.. at magabroad ay di biro.. gaya nga ng parating paalala mo sa akin,, ipon ipon lang talaga.. Alll the best Mc Rich and I hope your blog can be read by all of our fellow OFW.. More power to your blogsite.. Go for the Gold :) |
 | so good to read naman, kakawiling basahin at kakaiyak din dahil sa maraming pagtitiis na dinanas niyo as OFW.saludo ako sa inyo at sa bagong carrer mo chardy.may future ka dito.napakagaling at napakahusay ang bawat eksena na parang andoon din ako sa kwento.napipicture out ko kasi dahil sa mga eksplenasyon mong napakaigi. keep it up and mabuhay ang mga OFW's! you are all blessed! |
 | Panalo! Talagang sumasalamin ng buhay OFW at may positibong aral! Ang galing bro! Keep writing :) |
 | Winner ka talaga chardy sa pagsulat! good job and well done! ^-^
|
 | isa kang tunay na makata rich. ang makulay na buhay ng isang ofw |
 | Galing. Mabuhay ka. Keep up the good work. |
 | very well narrated and coming from the heart Chardy.entertaining and may kurot sa puso dahil nakakarelate kami as a family who is also new working outside d country. we love d Phils n its people because its our very own destined for us from God himself. i am based in Singapore for a short while perhaps but I really learn a lot from its people. maybe bec of their discipline especially in governance,very unique.,seldom if ever u hear people going to media and make any complaints to be aired on air or through newsprint.they see d beauty in its people and its country. we can learn from them. Its true kailangan natin ng pagbabago sa ating mahal na bayan,and it will start fr us.d change from within d heart by genuinely acknowledging d finished work of Jesus on d cross will surely give us hope as a nation,i believe that a nation who has transformed hearts,will be d catalyst of transforming our country d Phils. |
 | Wow Chardy dko alam kng iiyak Ako sa mga kwento mo nakarelate ba? Hehehe.. May talento ka pala sa pagsusulat pwedeng- pwede na... Actually nababasa ko naman lahat na blog mo pero kasi medyo busy sa ngayon medyo nagbawas na ng oras muna sa com at bihira ko madalaw si kaibigang Multiply hehehe....Praying for you Bro keep it up!!! You are greatly blessed!!!..:) |
 | rmmacarubbo wrote on Aug 13, '11, edited on Aug 13, '11 .,seldom if ever u hear people going to media and make any complaints to be aired on air or through newsprint.they see d beauty in its people and its country.  doc mukhang may pinanggagalingan ang comment mo ha :) well it's true. we put not so good people in the government and later on magrereklamo tayo. and this has become a cycle from one administration to the next. sobrang natuwa ako sa comment mo doc and I salute you for doing the sacrifices for Alma & RV. These are all the fruits of your LOVE to them. And needless to say, you will be rewarded greatly for all your deeds! o pano, kitakits na lang sa Pinas :) Miss u so! |
| Goodluck sa iyo! Hwag mawawalan ng pag-asa. Palaging iisipin na sa lahat ng gagawin mo ay para sa pamilya. Hindi natutulog ang Diyos. Palagi Syang nakaantabay sa ating lahat ano man ang mangyari. |
 | nice..... very detailed ha...but I very much agree to dat...hehehe at ito pa ang funny u describe me very much d same nung umuwe ako.me backpack with luggage and balikbayan box....at xempre STUFFTOY..hehehehcguro nga idol kita same age pla tau nag abroad,same reason din.hehehe at same ending din kya?????? ehem....lets see... coz for me Gods has his BEST PLAN for Us...gOODLUCK and congrats in advance....tank u Lord |
 | wow!isa kang henyo! hehehe |
 | nice post. naiduyan mo ako sa mga salita mo... macarrubo? may kamaganak akong macarubbo. taga Cagayan ka din ba? |
 | Thanks for sharing... keep on posting... Great work! |
 | hello be, napadaan lang, at nakita kong madami ka na talagang comments. huwow! ganda kasi! |
 | thanks be, sana nga makapasok tayo sa finals! |
 | sure na un....hehehehe pasok na toh... kz npaka 22o lhat ng blog mo... |
 | Nice,blog...Chardz! proud to be Filipino...more blessings to come! |
 | i know that picture, you wearing a lab coat (1st pic) -- I took that pic myself, in my micro lab! haha... reminiscing those days. cute pa natin nun.....at ngayon mas pina-cute pa! |
 | Hello ga! Magaling ka na? :) dalawin mo nmn kami ulit!
May talent si Ricardo sa pagsulat no? meron pang isa, para sa PEBA at Nokia, basahin mo nakakaaliw din.
Oo na mas pina-cute na nga kayo ngayon! The Cuticles :) |
 | Yes gifted talaga si Czad, its bcoz binalanse ni Lord ang lahat. Ako kulang sa literary skills, so He made me as cute as possible. Sa sobrang cute, nag-ala Spongebob nko! (Lord, thank you super, pde gawin nyo nalang akong hunk?! PEACE!) |
 | Oo gifted ka talaga! But deep inside, autistic ka talaga, na-rehab ka lang sa saudi, with my help ofcourse. Iyak-iyak ka pa dati...gawin b akong personal psychiatrist cum dermatologist?? Haha...saya-saya talaga! Well, I miss those days eventhough kinda traumatic sya. But we are always there for each other, kahit minsan daming nangyari in-between. Good or bad, sa huli friendship prevails ;-) |
 | rmmacarubbo wrote on Aug 25, '11, edited on Aug 25, '11 Oo gifted ka talaga! But deep inside, autistic ka talaga, na-rehab ka lang sa saudi, with my help ofcourse. Iyak-iyak ka pa dati...  haha thanks nga pala don, e tingnan mo naman tayo now -- stronger, better, richer... sa wisdom hahaha :) |
 | isa kang inspirasyon, kumpadz! mahusay ang iyong pagkakasalaysay ng iyong pagninilay-nilay. marami sa ating mga kababayan ang nakakalimot na ng tunay na layunin ng ating pangingibang bayan. dalangin ko na lahat ng makababasa nitong iyong obra-maestro ay hindi lamang mapapaalalahanan kundi humantong sa pagpapasya na maging bahagi ng pagbabago na matagal na nating inaasam para sa ating bayan. Tama ka, magsisimula ang lahat ng ito sa bawat isa sa atin. Mabuhay ka! :) |
 | coy, nabasa ko na,... ngaun pa lang kino congrats na kita!!! alam ko ikaw na ang winner!!! ... ganda ng message! galing tlaga ng kababata ko.. |
 | Iba ka Rich! My dad is also an OFW. Bilib talaga ako sa tapang nyo! :) |
 | nice post! proud of filipino ofws ! :) |
 | galing naman po... nakakatuwa ung entry nyo po mellow drama ang dating pero may laman talaga! |
 | Bro, ayus!!! good luck!!!! |
 | mars5 wrote on Sep 14, '11 naka relate ako looking forward to go home and take pictures sa airport and paint the town red... deep deep red! haha |
 | Hi chard! kaloka ka talaga, habang binabasa ko blog mo, tumatawa ako tapos napapaiyak, tapok matatawa na naman...haay, iba ka talaga, galing mo!!! |
 | Nakaka-relate ako sa iyo kasi pareho tayong OFW pero mas bilib ako sa iyo kasi matagal na ang sakripisyo mo dito sa ibang bansa. Keep up the good work and do always ask for God's guidance. |
 | nakakatuwa nman... nakarelate ako sa first part.. being an OFW myself. I was in Dubai for 3 yrs and now Singapore for almost 2 years. Good luck Rich... nice blog :) |
 | galing galing at puno ng damadaming pinoy na bayani ng bayan! |
 | 03040 wrote on Oct 26, '11 God bless and wish u success in everything |
 | ang ganda well explained..Good luck!!!!!!!!!God Bless!!!!!!!!!! |
 | corrected by! at yan ang totoong BAYANIHAN! :) |
 | Humorously written and yet it doesn't just paint you a smile but gives you the belief that change is within us and that change is me. - Animus |
 | CONGRATULATIONS MC RICH!!! |
 | congratulations po! grandslam ata kayo sa PEBA and deserving naman po kayo ng bongga lalo na't dito sa post na ito. |
 | i never get tired of reading this blog.
pag nakakainis na sa trabaho, sa mga ka-trabaho, lalong lalo na sa mga boss, binabasa ko lang to at bumabalik nako sa katinuan hehe, nagpapaalala sakin na may plano tayo, konting tiis nlng naman.
ginagawa ko na syang yoga.
adik ba ko? |
 | very touching tong story mo bro. nakakainspire at the same time, nakakalungkot din. pero hanga ako sayo dahil nakayanan mo lahat ng mga pagsubok, at patuloy mo parin nakakayanan. Saludo ako sayo bro. Rock on. |
 | hey rah nice to see you here bro! salamat, pero kahit andaming pagsubok sa buhay, at the end, lagi pa rin tayong wagi sa dami rin ng learning experiences :) |
| |