Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryAug 19, '11 4:39 AM
for everyone

May nagTEXT! 

Sumali daw ako sa Nokia Essay/Blog Writing Contest sa PEBA.  Nagreply naman ako:

K.    

Aba, Y not?  Gusto ko rin yatang maibahagi ang Kwentong Telepono ‘ko: 

‘Yung panahong naglaway, humikbi, pinimpols, naging madasalin, sumulat kay Santa Claus, sumali sa mga radio/tv/tabloid contests, tumaya sa lotto at nag-ipon sa piggy bank para lang magkaroon ng inaasam-asam na cellphone. 

‘Yung bang makabili ng teleponong 160 characters ang texting capacity at 4-liner ang text registry.  Para pwedeng makatanggap ng mga CUTE messages at mga composed graphics.  Tapos ise-save, pang-forward kung gusto ring magpa-CUTE. 

Magpindot-pindot-the-cell-phone.  Para, wala lang, makapagpa-CUTE ulit.

Ma-experience ang Snake.  Todong volume para ma-feel ang bawat ngasab ni Snake sa mga blocks na madadaanan n’ya; at magpakadalubhasa para lumaban sa mga friends na umii-Snake rin at lumelevel 9.

Makapag-miss-call.  Para maipahatid na nakaalala ka.  Pero sa totoo lang e wala ka talagang load.  Nagbabakasakaling magreturn call ang minis-call para magamit lang ang cellphone. 

At tama ka, para makapagpa-CUTE sa kahuli-hulihang pagkakataon.  

Oo aminado ako.  Sobrang pinangarap ko talaga ang moment na ‘to.  Ang problema lang, wala akong pambili hehe. 

                                                 *****

Hindi naging madali sa akin ang lahat.  Unang work ‘ko.  Unang pasok sa corporate jungle.  Ginagamay pa ang Bahay ni Kuya.  Learning the craft.  Honing my skills.  Actual application of everything I learned in school.  It was really a learning experience.  At ang ultimate experience na napakahirap palang gastusin ang perang pinagpaguran ko.  Na mas malaki pa yata ang allowance na bigay ni Inay noong nag-aaral pa ako. 

So paano ako makakabili ng pangTEXT at pangCALL na telepono sa kakarampot kong sweldo?  Paano na ang Great NOKIA Dream ko?  

Kaya naman noong binigyan ako ni Itay ng cellphone, sobrang saya ko.  Sa sobrang saya, napaindak talaga ako.  Yumakap.  Humalik sa pisngi.  Nagpasalamat. 

                                                  *****

Actually, si Rachel talaga ang salarin.  Ang aking nakababatang kapatid. 

Kaarawan kasi n’ya.  At dahil kaarawan n’ya, bibilhan s’ya ni Itay ng bago at magarang telepono.  Ako naman syempre naawa sa sarili.  Nagwish na sana birthday ko na rin.  Pero kung birthday ko naman, syempre hindi naman ako bibigyan ng telepono.  May trabaho na ‘ko ‘di ba? 

Dito ko naramdamang nabasa ang aking pisngi.  Tumulo pala ang isang patak ng luha mula sa aking kaliwang mata.  MMK moment na sana, kung hindi lang bukas ang electric fan.  Dahil bago pa man bumagsak sa lupa ang aking luha, nag-evaporate na. Kaya bumaling na lang ako sa bintana.  Tumingin sa malayo.  At bumirit ng May Bukas Pa. 

Anyway, hindi ko na talaga maitatago pa ang aking nararamdaman.  Hindi na pwedeng balewalain ang silakbo ng damdaming nagmumula sa kalalimlaliman, kaibutu-ibuturan at kasukdul-sukdulang parte ng aking puso.  Naghuhumiyaw.  Ayokong maging dukha!  Ayokong maging mahirap! At gusto ko rin ng CELLPHONE! 

Fast Forward.  Kasama si Rachel sa Glorietta 4.  Nagbayad na sa Nokia dealer.  Nagbayad ng isa, teka wait lang, ng DALAWAng telepono. Hahaha. Tagumpay!  Salamat Rachel!

                                                 *****

5110, hay, so sosyal.  I’m IN.  Pakiramdam ko, tumaas ng slight ang estado ko sa lipunan.

Ito kasi ang panahong kaunti pa lang ang may teleponong pangTEXT and CALL.  O kaya, ang telepono nila ay hindi 4-liner na tulad ng 5110 ko.  This is THE life.  Kaya naman, I see to it, na tuwing masisilayan ng buong mundo ang aking 5110, they won’t be disappointed sa mga eksenang masasaksihan nila.

TUTUTUT-TUTUT-TUTUTUT (2x).  Ascending.  Volume: MAX. 

Uy, may nagtext.  Pero syempre patay-malisya muna.  Kunwari hindi narinig.  Tapos, slow-motiong huhugutin mula sa aking bulsa.  (Hindi lang basta bulsa ha.  Nakalagay s’ya sa bulsa sa bandang tuhod.  6-pockets.  Uso rin.)  Ia-unlock ang keypad.  Biglang mag-i-smile o tatawa.  Depende kung simpleng message lang o forwarded joke.  Tapos kunwari magre-reply.  Magpipipindot.  Syempre naka-keypad SOUND ON pa.  Para lalong agaw-eksena.  Pero sa totoo lang, Tipid Meals lang ang load haha.

                                                *****

Masayang magTEXT and CALL noon.  Malaya pa.  Wala pang mga snatchers ng telepono.  Hindi pa siguro nila naaaral ang economic value ng telepono kumpara sa Seiko wallet o sa Cebuana Lhuillier jewelries.  At kung alin ba ang mas madaling snatch-in.  E ang mga snatchers may mga angkin ding talino.  Mga street smart.  Kaya noong napagtanto nila na mas madaling mangharbat ng telepono at halos lahat ng tao ay mayroon nito, ayun na, kinarir.

*****

Mabilis lumipas ang panahon.  Nag-iba na rin ang ihip ng hangin.  Marami na kasing naglabasang iba't ibang modelo.  Lahat na lang ng tao, nagti-text.  Lahat na lang pangisi-ngisi habang gamit ang kanilang cellphone.  Marami na rin ang sumasali sa Snake Olympics.  Samantalang ako, heto pa rin, matibay at hindi matinag sa aking...  5110! 

Bigay kaya sa akin ‘to.  May sentimental value.  Saka nagagamit pa rin naman a.

Oo useful talaga.  Very useful bilang tampulan ng mga jokes:

Bago lumabas at pagkapasok ng bahay.  Kukunin ng mga kaibigan ko ang 5110 ko at biglang magsasabing:  MANO PO Ingkong. 

Habang nagpa-park.  Hihiramin ang 5110 ko.  Pare pahiram.  Naka-hanging kasi tayo.”  Huwaat?  Gawin bang pangkalang ng oto ang 5110 ko?

                                                *****

Tuloy pa rin ang buhay-telepono.  At naiba muli ang trend: 

MAS maliit, more fun.  MAS maliit, MAS happy.  MAS maliit, MAS IN.  Kaya bumili ako ng 8210. 

Tapos may lumabas na MAS bago.  MAS maliliit pa sa 8210.  E ano pa ba ang gagawin ko?  Nagpalit pa rin ako ng telepono.  8310.  Ang galing!  Teleponong sobrang liit na pwedeng itago kahit sa kamay mo.  ‘Yun nga lang.  Hinliliit na yata ang ginagamit ko para pumindot sa keypad.  Pero ayos pa rin.  Basta lang japorms. 

Tapos ulit, owmaygas, nauso naman ang colored LCD na may camera at video pa.  Bili naman ako ng 6600.  Aba naman, sikat na naman.  Naalala ko nga, pumunta pa ang Plant Manager sa laboratoryo para lang magpa-pictorial. 

Tapos pa, nagkaroon ako ng trabahong may service phone na libre.  Naka-line pa.  Pangtawag sa mga suppliers sa Europe, North America and Australia.  3410.  Ok na rin, libre naman.  At least, hindi na ko magiging magastos sa load.  At mas japorms ako ngayon ha.  Dala-dalawang cellphone!   

                                                 *****

Isang araw, tinuruan ako ng amo kong gumamit ng phone DICTIONARY.  Para mas madaling magtext in English.  Para tama rin daw ang spelling. 

Do not assume raw.  ‘Wag ko raw i-assume na naintidihan ng tinext kong foreigner ang aking message. 

Aba bakit?  Clear naman ang message ko ha:

“Sowrie pow.  Ws nat eybowl 2 enser ur kowl.  Pls kowl me bak pow.  Weyt q pow ang kowl u J 

Maayos naman a.  Slang pa nga yung enser ‘di ba?  Linagyan ko pa ng smiley.  Magalang pa ko. 

Hay, ang mga boss talaga.

                                                *****

Ngayong 2011, kung curious kayo kung ano na ba ang telepono ko dito sa UAE, heto tingnan n’yo:

Hindi ako nagdown-grade.  Hindi rin ako nagtitipid.  Alam ko na kasi ngayon, kung ano ang kailangan ko.  ‘Di ko na rin kailangan magpa-CUTE.  Meron na kasing na-CUTE-an sa akin haha.  Jumaporms?  Hindi na rin.  Hindi naman sa modelo ng telepono nasusukat ang iyong pagkatao.    

Ngayon mas matalino na kasi ako.  Alam ko na, na kaya naimbento ang NOKIA, e for CONNECTING PEOPLE. 

Hindi ito ginawa para takamin ang iyong mata, pahirapan ang damdamin sa tuwing masisilayan ang pangarap mong telepono, alipinin ka para bumili ng iba’t ibang modelo o ubusin ang kaban ng yaman mo.  Marami lang silang linalabas na modelo para sa iba’t ibang uri ng tao.  Para sa iba’t ibang pangangailangan mo: 

MAS magandang audio.  MAS vivid na camera at video.  MAS maraming applications.  MAS wi-fi ready.  MAS magara sa paningin.  MAS may dating. 

Kaya kung tatanungin n’yo ako kung nanghihinayang ba ako sa mga nagastos ko sa telepono?  Ito lang isasagot ko:

I’m glad I had my NOKIAs.  For NOKIA made me grow.

MESSAGE SENT!

This post is my OFFICIAL Entry to Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) 2011 - NOKIA Essay Writing Contest.  Please click the NOMINEE Badge for more details.  Thank you! 

17 CommentsChronological   Reverse   Threaded
aim0501 wrote on Aug 20, '11
Oo nga remember nung college pager nmn ang uso, at nttndaan ko meron kdin nyon, sosyal tlga ang be ko ;) nagkaron ka ng nokia evolution!

Ang ganda ng blog mo, korek ka na hindi sa mga gadgets nssukat ang estado mo sa buhay. Ang importante may gadget k ayon s pangangailangan, pasok sa banga!

More power to Nokia!

Nice one be!
rmmacarubbo wrote on Aug 20, '11
aim0501 said
nagkaron ka ng nokia evolution!
haha oo nga no?
salamat BE for being the Wind Beneath My Wings, my Umbrella-ella-ella, and syempre for all the support :)
so blessed to have YOU and Caleb in my LIFE, LOVE You!
repaldo wrote on Aug 21, '11
wow.....hehheheeh...
so real to life nman....
oo nga Nokia been a Part of every Filipino's lyf....
and Ur blog is ONE of the proof to that....
NOKIA MADE US CONNECTED......More POWER
rmmacarubbo wrote on Aug 21, '11
repaldo said
NOKIA MADE US CONNECTED
Korek, we grew up with Nokia and gang ngayon, numoNokia pa rin hehe :)
yapakmc wrote on Aug 21, '11
kung Isa kang OFW cguro isa ang cellphone sa high-lighted sa chek list mo pagnagpapapack ng gamet.... tama sa mga reason like pagpapacute at pagpoporma...but for U s OFW it more than dat... NOKIA gave us d chance to keep us connected to our loveones all over the world....i remember b4 voice tape na take chance pa sa mic.at prang 10 yrs. ang sagot...heheheh ngayun with a tik tik tik den sent....walah.....ur CONNECTED na...LOve ur Blog....so true....
rmmacarubbo wrote on Aug 22, '11
yapakmc said
NOKIA gave us d chance to keep us connected to our loveones all over the world....
yes leng, yon ang isa sa mga nagawang kabutihan ng NOKIA sa buong mundo!
pjanonymous wrote on Aug 24, '11
Maganda pa yang nokia mo sa akin...yung akin eh yung walang 100 dirhams! Binigay pa sa akin ni "**rar" nung dumating ako dito. Upgraded n nman ako sa gadgets, thru BB nga lang. But I still love Nokia phone, less complex, friends tlga kami! Gara ng blog mo.....pang-MMK kasi ang talambuhay ko, di kakayanin ng blog...haha!
rmmacarubbo wrote on Aug 25, '11
But I still love Nokia phone, less complex, friends tlga kami!
oo user-friendly talaga! oo dahil mas madrama ka pa saken no, at ikaw talaga ang original na isang-patak-ng-luha-sa-kaliwang-mata-actor hahaha :)
pjanonymous wrote on Aug 25, '11
Ga, mukhang nag-rebelde yung kaliwang mata ko, recently naging "isang-patak-sa-kanang-mata-actor" nko....hihi!
rmmacarubbo wrote on Aug 26, '11
"isang-patak-sa-kanang-mata-actor" nko....hihi!
e di ok na, kaliwa & kanan actor ka na! aba versatile :)
ateanna wrote on Aug 30, '11
kkulangin ang oras ng MMK sa blog mo, pero madaming nkka relate. hehehe.. Naalala ko tuloy ang 5110 moments ko noon. Astig!
rmmacarubbo wrote on Aug 30, '11
ateanna said
Naalala ko tuloy ang 5110 moments ko noon. Astig!
e ate salamat kasi kung hindi sa yo, wala akong 5110 hehe :)
reinaemotera wrote on Nov 27, '11
Ang cute naman ng blog mo, panalo! Nakarelate ako! I remember the time na back to basic ako pagkatapos kong pagsawaan at namnamin ang alindog ng iba't ibang units ng NOKIA ng nasa pinas pa ako, tapos balik aq sa 3210, kung kelan nasa abroad na ko..And dahilan...kase nga mas importante sa akin ang makapg padala sa pamilya. Tama ka...kahit ano pa mang unit ng nokia ang bilhin ng tao, iisa lang ang pinakang function niyan, ung maikonek at mailapit ka, sa taong malayo sa yo, pero sobrang mahal mo:)
rmmacarubbo wrote on Nov 27, '11
kahit ano pa mang unit ng nokia ang bilhin ng tao, iisa lang ang pinakang function niyan, ung maikonek at mailapit ka, sa taong malayo sa yo, pero sobrang mahal mo:)
opo reina, nadale mo :)

dadating at dadating ang panahon na mas malalaman natin kung ano ba talaga ang mas importante sa buhay natin. siguro lahat ng ito nangyayari bilang part ng paglaki!
reinaemotera wrote on Nov 27, '11
:)
carnationzky wrote on Dec 2, '11
great read..
rmmacarubbo wrote on Dec 3, '11
great read..
salamat po ms carnationzky :)
Add a Comment
   

Rich :-)

I believe in the greater reality of the promises of God, more than the prevailing circumstances that I see. No weapon formed against me shall prosper. Fear and terror shall gather together and come against me, but they will fall for my sake. I believe that according to His plan and purpose, He will perfect that which concerns me and lead me to my eternal destiny. By His grace, God has made me rich in Christ. He became poor so that through His poverty I would become rich. My God supplies all my need according to His riches in glory by Christ Jesus... I AM BLESSED TO BE A BLESSING!   
 

 


  Get your own free Blogoversary button! Personal - Top Blogs Philippines  Proudly Pinoy! PH Blogs